Dito Sa Maynila - Loonie, Ron Henley, Toney Chrome

Dito Sa Maynila - Loonie, Ron Henley, Toney Chrome

Год
2020
Язык
`Tagalski`
Длительность
376030

Poniżej tekst piosenki Dito Sa Maynila , wykonawca - Loonie, Ron Henley, Toney Chrome z tłumaczeniem

Tekst piosenki „ Dito Sa Maynila ”

Oryginalny tekst z tłumaczeniem

Dito Sa Maynila

Loonie, Ron Henley, Toney Chrome

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Dito sa Maynila nakikipagsagupaan

Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila

Kailangang magtrabaho, kailangan din sumuyod

Di iindahin dere-deretso pa rin hanggang mapagod

Pagka’t kailangan may mauwi na grasya

Pero konting ingat didistansya sa disgrasya

Maraming bagay na di-inaasahan

Sa Maynila akin na tong napatunayan

May magandang pangyayari’t merong malungkot

Magmasid-masid para malaman ang sagot

Sa mga katanungang namuo sayong isipan

Simula’t sapul na mulat ka sa kaMaynilaan

Kailangang pag-aralan, mamuhay at umasta

Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay di basta-basta

Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin

ALINYAM ang Maynila kung babaliktarin

Di ko namalayan na umaga na pala

At namumula pa ang mga mata

Anak bangon na may pasok ka

Anong oras na? Alais Sais pasado na

Isang araw nanaman ng pakikipag sapalaran

Ng mga paang nakikipag-apakan,

Nakikipag-patintero, nakikipag-unahan

Sa masasakyang jeep na magdaraan

Badtrip! Bakit laging traffic?

Bakit ganito naging kulay abo ang langit?

Nakakabinging ingay sa lungsod

Sa sobrang siksikan di ka maka-usog

Binunggo mo na nga ako, ikaw pa ang galit

Di kita inaano, wag ka makulit

Para makatakas sa siyudad na kay lupit

Sisindi nalang ako hanggang sa mapapikit

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Oh mahal kong Maynila! Anong tunay na mukha?

Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka

Sadyang kami ay dukha o napabilang lang kami

Nagtatrabaho ng umaga, maghapon hanggang gabi

Makadiskarte lang, kahit na kung minsan ay pagod

Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod

Sunod sa agos, nagbabakasakaling makaraos

Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos

Merong sugat sa kamay, dulot ng paghihintay

Na ibigay ang huling pamana sakin ni inay

Pero di madaling mabuhay sa hingi-hingi

Sa dami mong sinusubuan, di mo na magawa pang ngumiti

Kahit matutulog kana sa isip mo biglang sasagi

Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari

Ng bahay, kaya kumilos hanggang may buhay

Kung sitwasyong ganyan palagi, di ka ba masasanay?

J-Skeelz ang makatang bente sais anyos

Mahusay, malupit naman, kaso di rin nakatapos

Ng pag-aaral, kinapos si tatay at si nanay

Dito sa barangay puro tambay dun ako sinanay

Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay

Wala kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay

Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay

Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay

Kung pupwede nga lang tumakbo kong president

Dito sa Maynila may milyon-milyong residente

Kalyeng takaw aksidente nagkalat sa Maynila

Mandurukot pag nandukot may asar pa sabay dila

Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot

Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot

Pero pipiliin ko parin dito na manirahan

Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagkaperahan

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Halikana’t sumugod sa karagatan

Ng alikabok at usok, nalalampasan

Ang kahit anong pagsubok, humawak ka lang

Higpitan mo lang ang kapit, tibayan mo lang

Wag na wag kang mangangawit

Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay,

Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay

Kailangang kumilos, kailangang kumita

Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila

Walang kape sa mesa

Walang kapera-pera

Paggantong taghirap dapat wala ng teka teka

Teka teka teka muna sadali

Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali

Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio

Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo

Tapos yung preno mahina, yung makina maingay

Sa Metro Manila talagang matira matibay

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina

Ponad 2 miliony tekstów piosenek

Piosenki w różnych językach

Tłumaczenia

Wysokiej jakości tłumaczenia na wszystkie języki

Szybkie wyszukiwanie

Znajdź potrzebne teksty w kilka sekund